Hello I want to share my experience here about “Manila Bankers Life Insurance” scheme, to raise awareness at para maiwasan n’yo din. I went to Robinsons Galleria San Pedro Laguna yesterday for my appointment with my dentist, bago umuwi kukunin ko muna sana ung mga gamit na pinahabilin ko sa supermarket, on my way pababa, sa escalator pa lang may nakatingin na saking lalake sa isang stall ng parang booth, alam ko na agad ung galawan ng mga ganyan at wala akong balak pansinin dere deretso lang ako pero makulit si kuya, he asked if I’m working and I just nod, pero hinabol n’ya ako bago pa ako makapasok sa supermarket saying na mabilis lang at mag spin the wheel lang ako to get a prize. Para matigil at sinabi din naman n’ya “mabilis” lang pinagbigyan ko na, then he asked if I’m using credit card, I said yes, ilan daw ang credit card ko at ano? Sabi ko UB Visa. Then he continued by saying “ma’am lagay mo lang details mo dito at may chance ka na manalo ng e-bike at iba pa” may binigay sakin papel na susulatan with my name, contact #, email address. Then may isa ulit ka-agent n’ya na lumapit sakin asking ilan daw dala kong card with VISA, kasi 1 card daw with VISA is equals to 1 raffle. Ang dami dami pa nila sinabi bago ako ipa-spin the wheel, nilinaw nila na WALANG BABAYARAN, RAFFLE LANG, prizes daw is either ballpen, eco bag at powerbank, sabi pa ni kuya “pagpasensyahan mo na ma’am ah at i-appreciate ang aming munting regalo”. Akala ko ibibigay agad ung “prize” kuno, sabi is kunin daw namin sa office nila ung prize. From 1st floor umakyat pa kami ng 3rd floor, then kinakausap ako nong lalakeng agent kung alam ko daw ba ang Manila Life Insurance? Sabi ko hindi, not even familiar, matagal na daw sila, affiliated din daw sila sa America. I’m working at a healthcare insurance which is based in US, and sabi ko hindi talaga sila familiar. Pagpasok ko sa office pinaupo ako, akala ko kukunin lang ung “prize” paglabas may kasama na s’yang isa pang agent na babae na magpapakilala daw ng kanilang product, at that time naisip ko na na kagaya ‘to ng frontrow, pero mariin nilang sinasabi na wala kang ilalabas na pera, ipapakilala lang nila sakin ang product nila at bahala na daw ako magpromote sa mga kakilala ko. Sinabi din nila na mabilis lang ‘to, pero halos inabot kami ng isang oras kaka lecture sakin ng “product” nila na life insurance, pinapahalata ko na talaga that time na I’m un interested at antok na antok na din talaga ako. Nakita nong babaeng agent na tumatawag na ung kapatid ko pero talagang napakapilit nila, nong nahalata na mukhang hindi ako interesado sinabihan ako na “yes na lang ba ng yes ma’am para mapabilis or naiintindihan?” Pagkatapos nong napakahabang lecture, binigyan na agad ako ng plan which is nagkakahalaga ng ₱1400 or ₱1600 per month na katumbas na daw non ay insured na ako for 20 years, too good to be true. Mariin akong tumanggi na pasensya hindi ko kaya ‘yang ganyang kalaking halaga at wala pa sa plano ko talaga ang kumuha ng insurance, and just like any other agent na nanggagaslight ginamitan na ako ng mga sentence na “kelan pa tayo kukuha ma’am pag may nangyari ng masama? (knock on wood)”. Desperate move para makaalis kung ano ano ng inimbento kong story na kesyo madami akong bayarin, hindi ko masasabay yan sa gastos ko pero talagang napakapilit, napakatigas, mga walang respeto. My anxiety is already kicking in. Binigyan ako ng other option which is “student plan” na nagkakahalaga ng ₱4000 per year, bale ang babayaran lang monthly is ₱333, tinanong ko kung pwede ko s’yang bayaran monthly para lang makaalis na. The agent said yes and pwede ko daw gamitin ang credit card ko to pay, I asked so many details about it just to make sure. Balak kong kunin na din kasi hindi talaga ako makaalis ng hindi nila nahuhuthutan ng pera, but ang balak ko after that ay i-cancel ang plan oras na makalabas ako ng office nila. But what happened after really triggers me, kinuha ang credit card ko and don kinaskas ang buong ₱4000!

    Please beware of this company and their agents. I am now in process of cancelling my plan, because after reading the terms ung mga pinangakong kung ano ano ng agent nila ay contradicting sa plan na binigay sakin, which is an accident insurance only.

    If you had the same experience, you can email them at customercare@manilabankerslife.com (kaso minsan hindi nagsesend ang email because of some traffic). Easiest way is to create a ticket at https://manilabankerslife.freshdesk.com/support/tickets/new

    Lagi din nila finofront si Boy Abunda na endorser daw nila. Insurance is not bad, the bad thing here is magsinungaling at mamilit ka ng isang tao na maglabas ng pera para lang makapagrefer ka.

    If you can file a complain, don’t be afraid as long as you have proofs.

    Manila Bankers Life Insurance Scam
    byu/snookeygirl inInsurance



    Posted by snookeygirl

    Leave A Reply
    Share via